Karagdagang mga pulis, itatalaga sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila sa panahon ng implementasyon ng ECQ
Magtatalaga ng karagdagan pang mga pulis sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila sa panahon ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ito ay upang matiyak ang kaayusan at nasusunod ang minimum health protocol.
Maliban sa mga vaccination site, magtatalaga rin ng mga pulis sa mga palengke, supermarket, at mga lugar ng pamamahagi ng ayuda o financial assistance.
Binigyang-diin ni Año na tanging mga Authorized Personnel Outside Residence (APOR) at cargo o delivery vessel ang papayagang makatawid sa mga border checkpoint.
Please follow and like us: