Karanasan sa pagiging isang Senador, naging kwalipikasyon ni Senador Tito Sotto na maging Senate President

Karanasan at husay sa pagiging isang Senador ang naging kwalipikasyon ni Senador Vicente Sotto III para magsilbing susunod na Senate President.

Ito ang naging pananaw ni Senador Sherwin Gatchalian sa panayam ng Radyo Agila.

Ayon sa Senador, kahit hindi abugado si Sotto ay mistula na rin aniya siyang abugado dahil sa haba ng karanasan nito bilang isang Senador.

Binigyang-diin ni Gatchalian na hindi kailangang maging isang abugado para maging Senate President basta’t ikaw ay binoto ng mayorya.

“In terms of number of years, siya yung pinakamahaba. Ako mismo, naka-trabaho ko siya at nakita ko yung kaniyang experience at galing at  parang abugado nanga siya eh. Ang abugasya naman ay pwede namang pag-aralan at kung ikaw ay masipag mag-aral ay matututunan mo rin yan”.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *