Karapatan ng mga nahuhuling suspek mahalaga pa rin kaysa iprisinta sa media- NCRPO
Mahalaga pa rin ang pagrespeto sa karapatan ng mga nahuhuling suspect kaya ipinagbawal ang pagprisinta nito sa media.
Ayon kay NCRPO Chief Supt. Guillermo Eleazar, ibinalik lamang ni PNP Chief General Oscar Albayalde ang nasabing direktiba na maayos namang naipatupad noon upang walang masabi ang publiko na niyayapakan ang karapatan ng isang arestado.
Paliwanag ni Eleazar, may iba namang paraan para maiprisinta sa media ang mga nahuhuling suspek gaya ng pagkuha ng mug shot nito.
“Napakahalaga na malaman ng ating mga kababayan kung sino ang mga naaaresto lalu na kung involve sila dun sa mga insidente na maraming mga biktima gaya ng mga Scam, Budul-budol o mga Akyat bahay, kaya’t gagawan din natin ng paraan at hindi tayo papayag na yung karapatan ng mas nakararami ay maapakan ang karapatan ng mga suspek”.