Karate: “James De Los Santos Tinalo ang Guinness World Record Holder”
Patuloy ang pagbibigay ng karangalan sa bansa ni James De Los Santos na muling nakasungkit ng gintong medalya sa online KATA.
Pang ika 25th gold medal na ito ni De Los Santos, nang talunin niya si Botond Nagy ng Hungary sa isang Guinness world record holder.
Tinalo ng Filipino KARATEKA si Nagy sa KATA Intercontinental League #4 E-Tournament nitong Martes.
Hawak ang no. 34 sa Olympic ranking, nai-set ng Hungarian ang record sa Guinnes para sa fastest roundhouse kick sa karate noong 2018.
Aminado si James na ang match nila ni Nagy ay napakahalaga para sa kanya. Sapagkat ang huling laban niya ay ang pinakamahusay na manlalaro ng senior male ng Hungary.
Nung nakaraang Oktubre hinawakan ni De Los Santos ang no. 1 spot sa world vitual KATA rankings matapos magwagi ng napakaraming gold medals sa E-KATA tournaments.
Dala dala ni De Los Santos ang Philippine flag sa international competition sa kabila ng pandemic, nakapanalo ito ng 25 gold sa ibat-ibang E- KATA competition.
Malou Aquino