Kasabihan Tungkol sa Oral Health
Marami ulit kayong matututuhan sa araw na ito. Mga kasabihan tungkol sa ngipin.
Pag nakakagat ang dila kadalasan ang iniisip ay may nakaalala. Pero ang totoo, pag nakagat mo ang dila mo, naku, may problema ang oral health mo. Dati rati naman hindi mo nakakagat ang dila bakit biglang nakagat?
Ibig sabihin, it is either may kulang ng ngipin sa side kung saan nakagat ang dila, o pwedeng pudpod na ang ngipin o luma na ang pustiso. Ito ang scientific explanation kung bakit nakakagat ang dila at hindi dahil sa may nakaalala.
Eto pa, ang kasabihang, isang ngipin na masakit buong katawan lumalangitngit.
Kapag sumakit ang ngipin, hindi makakain, hindi makatulog, at ang sungit. Ang biggest nerve sa ulo natin ay galing sa ngipin, ito ang nerve number 5, the biggest nerve of the 12 cranial nerves. Isang ngipin lang ang masakit buong katawan ang sumasakit. Kasi nga ang pinakamalaking ugat ay kunektado sa ngipin.
Narinig na ninyo marahil ang kasabihan na ayaw ko siyang makasama dahil mapapanis ang laway ko sa kanya. Ang taong hindi masyadong nagsasalita, sobrang tahimik, ang saliva o laway ay napapanis, Kasi walang lubrication.
Kung paanong hindi siya palainom ng tubig at hindi palaging nagsasalita, ang nangyayari, ang hininga ay maasim. Kaya kung ang kasama mo ay hindi interactive, ikaw din ay mapapanisan ng laway o magiging bad breath.
Panghuli, laughter is the best medicine. Ano ang kinalaman nito sa oral health? Bakit best medicine ang pagtawa? Kasi pag malakas tayong tumawa, masaya tayo, ang ating bibig ay na-stretch.
Ang pisngi, dila, ngipin ay nakakahinga at marami ang production ng laway, kapag tumatawa tayo. So, iyan ang explanation sa kasabihang ‘yan.
Samantala, paalala lang mas mabuti magkakaron tayo ng mansanas to keep the dentist away. Ang mansanas kasi ay toothbrush. Nagpapalusog ng ngipin ang pagkain ng mansanas. Kapag kumakain ng mansanas ang saliva ay nagiging alkaline kaya naaalis ang acid na nakasiksik sa ngipin.
Now you know ang mga paliwanag sa mga kasabihan at kaugnayan nito sa oral health!