Kaso laban kay Daraga, Albay mayor Carlwyn Baldo, malakas – PNP
Malakas ang kasong inihain laban kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos siyang ituro ng mga suspect at witness bilang utak sa pagpaslang kay dating Ako Bikol partylist Representative Rodel Batocabe.
Si Mayor Baldo at anim na mga security aide nito ay sinampahan na ng kasong double murder at 6 counts of multiple frustrated murder sa Albay Provincial prosecutors office.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni PNP Spokesperson General Benigno Durana na ang pagsasampa ng kaso ay batay sa official written testimony at mga extra-judicial confessions ng mga fiscal evidence na nakolekta ng mga imbestigador.
Ang iba aniya ay boluntaryong sumuko sa pulisya at ang iba naman ay napilitang nang sumuko dahil sa patuloy na operasyon ng mga tauhan ng Special Investigation Task Group ng PNP-Bicol at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ang mga suspect ay kasama sa pagplano at pagpatay kay Congressman Batocabe batay na rin sa testigo na dati rin umanong kasamahan ng mga suspect.
“Ang Korte ang magdedetermina kung sino sa kanila ang less guilty at pwedeng maging state witness, ang trabaho ng pulis ay magbigay ng mga ebidensya for the court to properly decide on wayforward kung papaano gugulong ang kaso”.