Kaso laban kay dating Pangulong Aquino at dating Budget secretary Florencio Abad sa isyu ng DAP, masyado umanong malabnaw

Hindi kuntento si Senador JV Ejercito sa kasong Usurpation of Legislative powers na inirekomenda ng Ombudsman laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget secretary Florencio Abad kaugnay ng paggamit ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP.

Ayon kay Ejercito dapat technical malversation o mas malakas na kaso ang isinampa laban sa mga promotor ng DAP.

Para kay Ejercito dapat negligence ang isinampa laban kay Pinoy habang technical malversation laban kay Abad

Nanindigan si Ejercito sa kaniyang mga alegasyon na ginamit ang DAP para bigyan ng pabuya ang mga Kongresista na nagsulong noon ng Impeachment kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Malinaw aniya sa batas na hindi maaring gamitin ng gobyerno ang anumang savings o miscellaneous funds kung walang appropriations o approval mula sa Kongreso.

Naniniwala ang Senador na sinadya ng Ombudsman na minadali ang pagsasampa ng malabnaw na kaso para mapigilan ang incoming ombudsman na magsampa ng mas malakas na kaso laban kay Aquino at Abad.

Samantala, dumepensa naman ang Liberal party o LP sa mga alegasyon laban kay Aquino.

Sinabi ni LP President at Senator Francis Pangilinan na pinayagan ng dating Pangulo ang paggamit ng pondo para maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Irerespeto raw ng dating Pangulo ang proseso at handang harapin ang mga kaso.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *