Kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa isyu ng Dengvaxia, tinawag na cover-up ng Oposisyon
Umalma ang oposisyon sa resulta ng imbestigasyon ng Senado sa isyu ng Dengvaxia kung saan inirekomendang makasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino at mga dating miyembro ng kaniyang Gabinete.
Ayon kay Senador Bam Aquino, inilabas ang report para pagtakpan umano ang mga isyu at kapalpakan ng Duterte administration.
Nais umanong ilihis ng Gobyerno ang isyu sa mga inaabot na batikos gaya ng pagpapasara ng Boracay at ang panggigipit umano kay Supreme Court Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Bagamat hindi pa umano siya nabibigyan ng kopya ng report, iginiit ni Aquino na walang dahilan para kasuhan o papanagutin ang dating Pangulo.
Katwiran ni Aquino, hindi pa naatunayan na may batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine.
Senator Bam Aquino:
“Though this report has not been made available to the members of the Blue Ribbon Committee, if the final report reflects yesterday’s statements and political leanings, we will have serious concerns with the conclusions made.
Ang isang mahalaga na lumabas sa presscon kahapon ay wala pang napatutunayan na may batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccine”.
Ulat ni Meanne Corvera