Kaso laban kay Glee actor Mark Salling, ibinasura na kasunod ng pagpanaw nito

 

Opisyal nang ibinasura ang kasong kinakaharap ng American actor na si Mark Salling kaugnay sa Child pornography.

Base sa court documents, naka-sign off na si District Judge Otis Wright sa kaso ni Salling na natagpuang patay malapit sa bahay nito sa California noong nakalipas na linggo.

Nakatakda na sanang hatulan ang 35 anyos na aktor sa susunod na buwan matapos itong maghain ng guilty plea.

Una nang inirekomenda ng mga prosecutor na siya ay makulong mula apat hanggang ptiong taon sa ilalim ng Plea deal o ng kaniyang pag-amin.

Ito ay mababa kumpara sa 20 taong pagkakabilanggo na kanyang unang kinaharap.

2015 nang maaresto ang aktor matapos may mag-tip sa mga otoridad na may mga larawan ito ng mga batang sexually abused.

Nakilala si Salling sa papel nito sa US hit musical na Glee bilang si Noah “puck” Puckerman mula 2009 hanggang 2015.

 

===  end  ===

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *