Kaso ng Chikungunya sa bansa tumaas ayon sa DOH
Tumaas ng 200% ang naitalang kaso ng Chikungunya sa bansa ngayong Enero lang ng taong ito.
Sa datos ng Department of Health, mula Enero 1 hanggang 28 ngayong 2023, nakapagtala ng 9 na kaso ng Chikungunya na mas mataas sa 3 kaso lamang sa parehong panahon noong 2022.
Wala namang naitalang nasawi dahil sa sakit.
Ayon sa DOH naitala ang 6 na kaso ay naitala sa Davao region, 2 sa Northern Mindanao at 1 sa Caraga.
Ang Chikungunya virus ay naikakalat sa pamamagitan ng kagat ng lamok na infected nito.
Karaniwang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng kasukasuan, pananakit ng ulo at kalamnan, at rashes.
Madelyn Villar – Moratillo