Kaso ng child exploitation at domestic sexual abuse , tumaas
Ngayong marami ang nakakulong muli sa mga tahanan dahil sa ECQ, dapat isama sa babantayan ng mga local government units ang mga kaso ng child exploitation at domestic sexual abuse.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros na Chair ng Senate Committee on Women, Children, Family, Relations, nakakabahala ang tumataas ring kaso ng child sex abuse lalo na sa mga mahihirap na pamayanan.
Dapat may kakayahan aniya ang bawat LGU o baranggay na magbigay ng psychological support sa mga biktima na nagrereport ng mga ginagawang pang-aabuso.
Mahalaga rin aniyang bukas ang mga channel na maaring magamit ng mga biktima sakaling magreport sa mga otoridad.
bawat mamamayan aniya ay may responsibilidad na dapat tiyaking walang bata ang nalalagay sa panganib at tumulong sa pag-report at kampanya laban sa karahasan.
Sa ngayon nasa 12 taong gulang pa rin ang age of sexual consent sa pilipnas na pinakamababa aniya sa buong mundo dahilan kaya nagagamit itong loophole ng mga predators para makaiwas sa kaso ng child rape.
Tiniyak naman ni senate majority leader juan miguel zubiri na isa rin sa may akda ng panukala, kasama ito sa pagtitibayin ng Senado sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa huling linggo ng Agosto.
Meanne Corvera