Kaso ng Covid-19 sa bansa, umabot na sa 469,005; DOH, nakapagtala ng bagong 1,406 na mga kaso
Umabot na sa 469,005 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa bansa.
Pero sa bilang na ito, 28,883 lamang ang aktibong kaso.
May 1,406 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.
Kabilang sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Bulacan na may 100 new cases, Quezon City na may 98 new cases, Rizal na may 88 new cases, Laguna na may 73 new cases, at Batangas na may 69 new cases.
Mayroon namang 266 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil rito, umabot na sa 431,055 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
May 5 naman na bagong nasawi dahil sa virus. Sa ngayon umabot na sa 9 067 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madz Moratillo