Kaso ng Covid-19 sa bansa, umakyat na sa 283,460
Umakyat na sa 283, 460 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,962 na mga bagong virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,440 new cases.
Sinundan ng Bulacan na may 354 new cases, Cavite na may 287 new cases, Laguna na may 222 new cases at Batangas na may 213 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 1,128 na bagong gumaling mula sa Covid- 19.
Dahil dito umakyat na sa 208,790 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
Nakapagtala naman ang DOH ng 100 na bagong nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 66 ay nasawi ngayong Setyembre, 16 noong Agosto, 7 noong Hulyo, 4 noong Hunyo, at 7 noong Abril.
Sa ngayon, pumalo na sa 4 930 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 28 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid- 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo