Kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, naragdagan ng 150
Nakapagtala ng 150 panibagong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos mula sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, aabot na sa 77,170 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID sa rehiyon.
Pero mula sa nasabing bilang ay 3,846 na lang ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 21 ang gumaling mula sa sakit kaya 71,080 na ang bilang ng recoveries sa Region IV-A.
Nasa 2,244 naman ang bilang ng mga pumanaw matapos madagdagan ng isa.
Ang CAVITE ang may pinakamaraming confirmed cases na sinundan ng Laguna sa rehiyon.
Patuloy ang paalala ng DOH- CHD CALABARZON na sundin ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Moira Encina