Kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga medical frontliner, patuloy sa pagbaba
Patuloy pang bumaba ang bilang ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 sa hanay ng mga healthcare worker sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong October 2, nasa 290 na lamang ang active cases ng Covid-19 sa hanay ng mga medical frontliner.
Ang 145 dito ay mild, 92 ay asymptomatic, 21 ang nasa moderate condition, 23 ang severe at 9 ang nasa critical condition.
Sa kabuuan, umabot na sa 25,789 ang bilang ng mga health worker sa bansa na tinamaan ng virus.
Ang mayorya rito ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.
Sa loob ng ilang linggo, wala ring naitalang health worker na nasawi dahil sa virus.
Sa datos ng DOH, hindi na naragdagan ang 105 na bilang ng nasawing medical frontliner dahil sa Covid-19.
Madz Moratillo