Kaso ng COVID-19 sa Hudikatura, wala pang isang porsyento
Wala pang isang porsyento ang nahawahan ng COVID-19 sa hanay ng mga nasa Hudikatura.
Kabilang sa Hudikatura ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals, at ang first at second-level courts.
Kasama rin ang Philippine Judicial Academy at Judicial and Bar Council.
Sa online CJ Meets The Press, iniulat ni Chief Justice Diosdado Peralta na mula sa kabuuang 28, 954 na kawani, hukom, at mga mahistrado sa Hudikatura ay 252 lamang ang nagpositibo sa COVID na katumbas ng 0.87%.
Sa Korte Suprema anya ay 55 empleyado mula 2,705 ang nagka-COVID o 2%.
Sa CA ay 48 ang nagkasakit mula sa 1,437 o 3.3% habang sa Sandiganbayan ay 14 out of 439 employees o 3.1%.
Walo naman ang kumpirmadong kaso sa Court of Tax Appeals o 2.9 % mula sa mahigit 400 kawani.
Sinabi ni Peralta na pinakamababa ang mga COVID case sa mga lower courts dahil mula sa 24,100 na empleyado at hukom ay 127 lang o 0.5 %
Pinuri ng punong mahistrado ang mga LGUs dahil sa pagiging maagap nito kaya mababa ang kaso ng COVID sa mga korte.
Binanggit din ni Peralta ang mahigpit na pagpapatupad sa mga health protocols sa mga hukuman para maiwasan ang lalong pagkalat ng virus.
Moira Encina