Kaso ng Covid-19 sa Laguna, halos 10,000 na
Umakyat na sa halos 10,000 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Laguna.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office, kabuuang 9,894 ang naitalang nagpositibo sa virus sa lalawigan.
Gayunman, umaabot na lamang sa 2,816 ang aktibong kaso.
Gumaling na mula sa sakit ang 6,891 Covid patients habang pumanaw ang 187.
Pinakamaraming kumpirmadong Covid case ay mula sa Calamba City na 2,363.
Nasa mahigit 5,600 naman ang mga suspected case sa probinsya
Ang Laguna ay isinailalim na sa MGCQ o Modified General Community Quarantine mula September 1.
Patuloy naman ang paalala ng provincial government na bagamat maluwag na ang mga alintuntunin sa MGCQ ay sumunod pa rin sa mga health protocols dahil may banta pa rin ng Covid-19.
Moira Encina