Kaso ng Covid-19 sa Laguna, mahigit 10,000 na
Lagpas 10,000 na ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19 sa Laguna.
Sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office, umabot na sa 10,250 ang nahawahan ng Covid sa lalawigan.
Pero, kabuuang 2,947 na lamang ang aktibong kaso o ang mga ginagamot at nagpapagaling pa.
Gumaling na rin mula sa sakit ang mahigit 7,000 pasyente habang pumanaw ang 191.
Mayroon namang mahigit 5,600 na suspected Covid cases sa Laguna.
Pinakamarami sa mga naitalang Covid case ay sa Calamba City na 2,479.
Una namang inihayag ni Laguna Governor Ramil Hernandez na masasabi niyang na-kontrol na ang curve sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa probinsya bunsod na rin ng koordinasyon ng national at local government para malabanan ang sakit.
Moira Encina