Kaso ng COVID-19 sa Liloy, Zamboanga del Norte, pumalo na sa 90
Umabot na sa kabuuang 90 ang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Liloy.
Ito’y matapos makapagtala ng limang panibagong kaso, batay sa update ng Municipal IATF.
Mula sa nabanggit na kabuuan, 36 dito ang aktibong kaso.
Mayroon namang 52 gumaling mula sa sakit, habang dalawa ang nasawi.
Samantala, nagsimula na rin ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2, at A3 priority group kung saan 1,105 na ang nabigyan ng first dose, habang 653 naman ang nabigyan na ng 2nd dose.
Patuloy din ang paalala ng lokal na pamahalaan, na laging sundin ang mga ipinatutupad na safety protocols at ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings sa labas ng tahanan.
Nagpaalala rin ang regional health unit sa publiko, na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na pekeng balita tungkol sa bakuna, dahil ito ay pinag-aralan ng mga siyentipiko at health professionals.
Panawagan ng mga kinauukulan, huwag matakot magpabakuna dahil ito ay mabisang paraan para malabanan ang COVID-19.
Ulat ni Jenie Joy Prieto