Kaso ng Cyberbullying, tumaas noong nakaraang taon
Mas tumaas ang kaso ng Cyberbullying noong nakaraang taon.
Batay sa datos ng PNP Anti-cybercrime Group,70.74 percent ang itinaas nito noong 2016.
Kabuuang pitong daan at walumpu’t dalawang (782) Cyberbullying cases ang kanilang naitala noong nakalipas na taon kumpara sa apatnaraan at limampu’t walong (458) insidente noong 2015.
Pinakamarami ang naitalang kaso ng online libel na nasa apatnaraan at siyamnapu’t walo (498).
Sa unang quarter ng 2017, ipinabatid ng PNP Anti-cybercrime Group na nakapagtala na sila ng isangdaan at apatnapu’t dalawang (142) kaso ng online libel, apatnapu’t isang (41) online threats, sampung (10) insidente ng unjust vexation at apat (4) na kaso ng child abuse.