Kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa CALABARZON, umabot na sa 298
Kabuuang 298 kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa CALABARZON.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Regional Biosurveillance Update ng DOH CALABARZON noong Setyembre 5.
Mula sa nasabing bilang, 85 kaso ay mula sa Laguna, 71 sa Cavite, 62 sa Rizal, 43 sa Batangas, at 26 sa Quezon.
Ang Lucena City naman ay 11 ang naitalang Delta cases.
Sinabi naman ni Regional Director Eduardo Janairo na may dalawang kaso na in-admit sa Quezon para sa treatment.
Umabot naman na sa 172 Delta cases ang gumaling habang for verification ang 116 indibidwal.
May walo namang Delta cases na namatay kung saan tig-dalawa ay sa Rizal at Quezon at tig-isa sa Cavite, Laguna, Batangas, at Lucena City.
Moira Encina