Kaso ng dengue sa Bacolod city, tumaas ng 121 porsyento sa unang limang linggo ng 2019

Tumaas pa sa halos 121 percent ang kaso ng dengue sa Bacolod City sa unang limang linggo ng 2019.

Sa record na inilabas ng City Health Office (CHO), mula January 1 hanggang February 5, 2019, nakapagtala ang lunsod ng 201 kaso, na may isang namatay, mas mataas ito kumpara sa 91 kasong naitala noong 2018 sa kaparehong peryodo.

Ayon kay Dr. Grace Tan, pinuno ng CHO Environment Sanitation division, sinusuyod na nila ang mga posibleng mosquito breeding at nesting sites sa loob at labas ng nga kabahayan, mga gusali at iba pang mga lugar sa lunsod.

Nanawagan din ang CHO sa mga residente na magkusa nang lumahok sa mga kampanya para sa Dengue prevention at huwag nang antayin ang mga health workers na magbahay-bahay.

Dagdag pa ni Tan, ang 2019 ay itinuturing na taon kung saan tataas talaga ang mga kaso ng dengue kung ito ay hindi aagapan.

34 mula sa 61 barangay sa lunsod ang matinding tinamaan ng sakit.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *