Kaso ng dengue sa bansa, pumalo na sa mahigit 90,000
Umabot na sa 92,343 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa mula noong Enero hanggang Hulyo 23 ng taong ito.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang bilang na ito ay mas mataas ng 118% kumpara sa 42,294 lamang na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Pinakamarami sa mga kaso ay mula sa Eastern at Central Visayas at National Capital Region.
Ayon sa DOH, 9 na sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa epidemic threshold sa nakalipas na 4 na linggo.
May 344 naman ang naitalang nasawi dahil sa dengue mula noong Enero.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: