Kaso ng dengue sa taong ito mas mababa kumpara noong 2016, paalala pa rin ng DOH hindi dapat na maging kampante.
Isa sa binabantayang sakit ng Department of Health kapag tag-ulan ay ang dengue.
Ayon sa DOH, ang dengue fever ang isa sa pinakamapanganib na sakit na dala ng lamok.
Sa tala ng DOH, mas mababa ang kaso ng dengue sa taong ito kumpara sa nakalipas na taon mula Enero hanggang Abril.
Bagaman walang epektibo pang bakuna laban sa dengue, ipinapayo ng DOH na panatilihing malinis ang paligid upang hindi pamugaran o tirhan ng lamok.
Ang lamok ay mas aktibo sa madaling araw at takip silim o dapit hapon, kung kaya iwasan ang paglabas ng bahay sa mga nabanggit na oras.
Tiyaking nakasara ang bintana ng bahay at kung maari ay maglagay ng screen upang hindi pumasok ang lamok na may dala ng sakit na dengue.
Ulat ni: Anabelle Surara