Kaso ng dengue , tumaas ng 58 %
Tumaas ng 58% ang naitalang kaso ng dengue sa unang anim na buwan ng 2022.
Sa datos ng Department of Health, mula Enero 1 hanggang Hunyo 18, 2022 may 51,622 dengue cases ang naitala sa bansa.
Mas mataas ito kumpara sa 32,610 na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Karamihan sa mga kaso ng dengue naitala sa Region 3,7 at 9.
Ayon sa DOH, kung ang pagbabatayan naman ay mula Mayo 8 hanggang Hunyo 18, may 13,075 dengue cases ang naitala.
Karamihan ay mula sa Region 3,7 at Cordillera Administrative Region.
Ayon sa DOH, 15 sa 17 rehiyon sa bansa ay lumagpas na sa epidemic threshold sa nakalipas na 4 na linggo.
Ito ang Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 8, 9, 10 11, 12, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, CAR, at National Capital Region.
Sa NCR, umabot na sa 239 ang naitalang nasawi ngayong taon kung saan pinakamarami ay naitala noong Mayo.
Madelyn Villar- Moratillo