Kaso ng kagat ng aso tumaas ayon sa Animal Bite Center ng San Lazaro Hospital
Hindi lahat ng hayop ay may rabis, ngunit, kung nakagat ng hayop hindi ito dapat na ipagwalang bahala.
Ayon sa department of health mataas ang kaso ng animal bite sa San Lazaro Hospital, at ang kagat ng aso ang nangunguna dito.
Ngayong rabies awareness month, muling binibigyang diin ng DOH na maging responsable ang mga may alagang hayop partikular ng aso dahil nakamamatay ang rabis.
Payo ng DOH, kapag nakagat ng aso, huwag itong papahiran ng bawang, papaya o suka at huwag din itong paduduguin na karaniwang ginagawa lalo na ng mganasa kanayunan at may mga ibang gumagawa na rin nito sa urban areas.
Sa halip, agad na magtungo sa pinakamalapit na animal bite center o clinic para malapatan ng angkop na lunas.
Ulat ni : Anabelle Surara