Kaso ng Malaria sa buong mundo patuloy na tinututukan ng World Health Organization

Ginugunita sa araw na ito ng buong mundo ang WORLD MALARIA DAY.

Ito ay isang araw ng pagpapaalala sa mamamayan na lalo pang paigtingin ang paglaban sa nakamamatay na sakit na ito.

End Malaria for Good “ ang tema ng pagdiriwang  batay na rin sa “Global Technical Strategy for Malaria 2016-2030,  na hangaring tuluyang mawala na ang nabanggit na sakit.

Ayon sa World Health Organization, may apat na raang libo katao ang namamatay dahil sa Malaria bawat taon.

Kaya naman, patuloy ang panawagan ng WHO na pataasin ang political at financial commitment ng bawat bansa  para tuluyan nang mawala ang  Malaria.

Binigyang diin ng W.H.O, na isang mapanganib na sakit ang Malaria.

Ito ay sanhi ng mga parasites  o parasitiko na naililipat sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok  na apektado nito.

Ayon sa mga eksperto, maaari namang maiwasan at malunasan ang sakit kung maagapan lamang.

Tinataya rin ng W.H.O na noong 2015, mahigit sa dalawang milyong kaso ng Malaria ang kanilang naitala at sa bilang na ito, mahigit sa apat na raang libo ang namatay.

Samantala, kabilang sa mga sintomas ng Malaria na hindi dapat na ipagwawalang bahala ay panginginig na kalamnan, mataas na lagnat, matinding pagpapawis, pananakit ng ulo, pagsusuka, diarrhea,  madaling pagkapagod at pamamaga ng lapay.

Payo ng mga eksperto, agad na magpatingin sa oras na makaranas ng anumang sintomas na nabanggit.

Maaari ring lumapit sa mga institusyon tulad ng Research Institute for Tropical Medicine o R.I.T.M

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *