Kaso ng mga batang nabubuntis tumaas pa- POPCOM
Tumaas pa ang Bilang ng mga batang maaga ng nabubuntis at nanganganak.
Sa pagdinig ng senado sa panukalang budget ng population commission, sinabi ni undersecretary Antonio Perez ng popcom na batay sa datos ng civil registry umaabot sa 40 hanggang limampung bata ang nanganganak kada taon.
Umaabot naman aniya sa hanggang 60 libong mga kabataang wala pang 18 taong gulang ang pumapasok sa pagpapamilya kada taon.
Karamihan sa mga batang ito may edad na sampu hanggang labing-apat na taong gulang.
Nangangamba ang popcom na na nadoble na ang datos na ito ngayong may umiiral na mga quarantine dahil sa covid pandemic.
Nakikipagtulungan na raw ang popcom sa Department of Education, dswd at doh para maituro sa mga kabataan ang Comprehensive sexuality education sa mga eskwelahan at mga komunidad.
Meanne Corvera