Kaso ng Non Communicable Diseases tumataas ayon sa Philippine Medical Association
Lalo pang pinaiigting ngayon ang paghahanap ng lunas upang mapababa ang insidente ng non communicable diseases.
Ayon sa Philippine Medical Association, kabilang sa tinatawag na NCD’s ay hypertension, diabetes, maging ang cancer at mental illness ay ibinibilang na rin nilang NCD’s.
Binigyang diin ni Dr. Irineo Bernardo III, Presidente ng PMA na mahalagang magtulong tulong ang bawat isa , mga duktor, nurses at iba upang lunasan ang patuloy na pagtaaas ng mga naturang non communicable diseases.
Paalala ni Dr. Bernardo, an ounce of prevention is better than a pound of cure.
Dagdag pa ni Dr. Bernardo na kaisa rin ang kanilang asosasyon sa isinasagawang national weight loss challenge ng Fit-Fil movement at sila ay may pledge na mag donate ng 100,000 pounds na kabawasan ng fats o taba mula sa hanay ng mga doktor sa PMA.
Ulat ni: Anabelle Surara