Kaso ng pagdukot sa Chinese national, ipapaubaya sa Anti-kidnapping group
Itinurn over na ng Manila Police District sa Anti Kidnapping Group ang panibagong insidente ng pagdukot sa isang 27 anyos na Chinese national sa Sta. Cruz, Maynila nitong Linggo ng gabi.
Kita sa CCTV footage ang isang lalaking sakay ng motorsiklo na pumarada.
Hindi pa man siya nakakababa ng motorsiklo may 2 lalaki na ang sumunggab sa kaniya na parang may pinapaamoy sana pero nakawala siya.
Pero nahabol din siya ng 2 lalaki at naisakay sa kanilang getaway vehicle.
Ayon sa kapitan ng Barangay 313 na si Eddie Yu Jazmin, anim na buwan pa lang naninirahan sa lugar ang biktima at pamilya nito.
Ayon sa Kapitan ng barangay, bagamat marami ng Chinese national ang nakatira sa kanilang lugar, ito ang unang pagkakataon na may nangyaring kidnapping incident sa kanila.
Sa isang pahayag, nanawagan naman si Teresita Ang See, founder ng Movement for Restoration of Peace and Order, sa lahat na iwasan muna ang pagbibigay ng ispekulasyon sa insidente para narin sa seguridad ng biktima at pamilya nito.
Ang premature disclosure kasi aniya nito ay maaaring makaapekto lang sa kaso.
Madelyn Moratillo