Kaso ng pagharang ng sasakyan sa Skyway at pamamaril at pananaksak sa isang Chinese National, naresolba na ng PNP
May suspek na ang Philippine National Police sa dalawang insidente na nakuhanan ng Video at nag-Viral nitong nakaraang mga araw.
Ito ay ang pagharang sa isang sasakyan sa Skyway at pamamaril at pananaksak sa isang Chinese National.
Sa Hearing ng Senate Committeee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald Bato De La Rosa, Sinabi ni Police Brigadier General Jonnel Estomo ng NCRPO, na hindi kidnapping ang nangyari sa Skyway.
Ito ay kaso ng Hold-up na ang biktima ay isang Malaysian National.
Naituro na ang isang Protective Agent na isa sa mga suspek at tinutugis na ngayon ng kanilang mga tauhan.
Habang inamin din ni Police Colonel John Kirby Kraft ng Southern Police District na ang video na kumalat ng pagbaril at pananaksak sa isang Chinese National ay nangyari noong July, 2022 sa isang Condominium Unit sa Parañaque City.
labing dalawang mga protective Agents at dalawang Chinese Nationals na suspek sa krimen ang nakilala na at pinaghahanap na rin nila ngayon sa Kawit, Cavite.
Aayon kay Police Brig.general Jose Melencio Nartatez, Jr. ng PRO CALABARZON , isang bangkay lang ang nakuha doon at hindi 10.
Hanggang ngayon ay identified pa ang biktima.
Ngunit may mga video umanong nag-viral gaya ng nakitang tinapyas ang tainga ay hindi nangyari sa Pilipinas kundi nangyari sa ibang bansa.
Meanne Corvera