Kaso ng Parojinog siblings, ira-raffle na sa Martes

Ira-raffle na ngayong Martes ang mga kaso nina Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid na si Reynaldo Parojinog Jr.

Nai-transmit na sa clerk of court ng Ozamis ang kaso ng magkapatid at hinihintay na lamang kung saang branch sa Ozamis Regional Trial Court mapupunta ito.

Si Vice Mayor Parojinog ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at possession of dangerous drugs.

Habang ang kanyang kapatid ay nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions, possession of dangerous drugs at illegal possession of explosives.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *