Kaso ng pertussis naitala na rin sa Metro Manila
Nagbabala ang mga health expert sa pagtaas ng kaso ng mga sakit na pwede sanang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
Isa rito ang pertussis o whooping cough na pinangangambahang tumataas ang mga kaso.
Sa Western Visayas, may 18 kaso ng pertussis ang naitala hanggang nitong Marso 9.
Sa 18 kaso na ito, 2 ang laboratory-contirmed.
Habang ayon sa Marikina City Health Office, may 6 na kumpirmadong kaso narin sila ng Pertussis.
Ang pertussis ay isang nakakahawang respiratory disease na karaniwan sa mga nasa 5 pababa.
Pwede itong makahawa sa pamamagitan ng direct contact mula sa respiratory discharge ng infected nito.
Pwede rin umano itong magdulot ng kumplikasyon sa puso.
Ilan sa sintomas nito ay ubo na inabot na ng 2 linggo o higit pa, tuloy tuloy na pag-ubo na umaabot sa puntong hirap na sa paghinga, sinusundan ng pagsusuka at exhaustion.
Apela ng mga eksperto sa publiko, huwag balewalain ang mga libreng bakuna na ibinibigay ng gobyerno.
Sa Sabado, magkakaroon ng Vaccination Summit na pangungunahan ng Philippine College of Physicians.
Kabilang sa kanilang tatalakayin ay kung paano malalabanan ang mga maling impormasyon laban sa mga bakuna.
Madelyn Villar – Moratillo