Kaso ng pinay na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 pagdating sa Hong Kong case closed -DOH
Itinuturing ng case closed ng Department of Health ang kaso ng isang pinay na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 pagdating sa Hong Kong mula sa Pilipinas.
Paliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, ito ay dahil sa negatibo naman sa uk variant ang close contacts nito.
Bagamat may ilan aniya sa mga ito ang hindi tinanggap para sa genome sequencing dahil sa masyadong mababa ang kanilang viral load.
Pero lahat naman aniya sila ay naisailalim sa 14 na araw na quarantine kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
Ang mga nakasabay naman sa eroplano ng nasabing pinay ay nasa Hong Kong na kaya imposible na silang matest ng DOH.
Pero kung meron man sa kanila ang bumalik ng Pilipinas nakalipas ang ilang araw may mahigpit na protocols namang pinaiiral ang bansa sa arriving passengers.
Madz Moratillo