Kaso ni Kiefer Ravena, wake-up call para sa FDA

Magsisilbing wake-up call para sa Food and Drugs Administration o FDA ang nangyari kay PBA Player Kiefer Ravena matapos magpositibo sa anti-doping agents na taglay ng ininom niyang energy drink.

Kaugnay nito, nakatakdang magsasagawa ng imbestigasyon ang FDA sa kasong kinaharap ng basketball player.

Ito ay matapos na hindi makasama sa isasagawang Fiba basketball si Ravena.

Sa panayam ng  Radyo Agila , sinabi ni Timoteo Moises Mendoza, FDA regulatory officer,  sa kasalukuyan ay inihahanda na nila ang gagawing imbestigasyon at pagsusuri sa uri ng energy drink na ginamit ni Ravena na naging dahilan kung kaya pinagbawalan itong maglaro sa Fiba world cup.

Isasagawa din ng FDA ang sarili nitong testing sa produktong ininom ni Ravena.

Batay sa paunang resulta ng pagsusuri, lumalabas na may mga sangkap ang energy drink na ininom ni Ravena  na masama sa katawan ng tao.

“Ang gagawin naman po ng FDA dito, lahat ng mga produkto o titingnan po natin yung sa general na iniinom niya. Masosolusyunan kasi natin o malalaman natin yung pinagmulan kung magkakaroon ng laboratory analysis and we will do the appropriate test so, naka-focus pa lang muna tayo sa drink ni Mr. Ravena”. 

Samantala, nagpaalala din ang FDA sa publiko na maging maingat sa pagpili ng mga produkto lalo na sa ibat ibang uri ng food supplements, na ibinebenta online.

Dapat din aniya tiyakin ng mga consumer na rehistrado sa FDA ang produktong bibilhin para hindi na magkaproblema pa lalo na sa kalusugan.

“Para sa ating mga kababayan, wag muna tayong bumili basta-basta, agad-agad ng mga produktong hindi dumaan sa FDA. Machi-chek natin sa website kung ang isang produkto ay rehistrado sa FDA o hinde. Lalu na sa mga online na nabibili, yan ang isa sa mga tinututukan ng FDA”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *