Kaso ni Ozamiz Vice Mayor Parojinog, ipinaubaya muna ng DILG sa Korte
Bahala na muna ang Korte sa pagde-desisyon sa kasong kinakaharap ni Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog.
Ito ang posisyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa sitwasyon ngayon ng Bise-alkalde.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Rico Janvier Echiverri, ng external and legislative affairs ng DILG, base sa rules of succession ang tatayong pansamantalang bise mayor ng Ozamiz ay ang number 3 councilor ng lungsod.
Sa ngayon pansamantalang itinuturing ng DILG na incapacitated si Vice Mayor Parojinog.
Please follow and like us: