Kasong graft laban kay Sen. Revilla, ibinasura ng Sandiganbayan
Inabsuwelto ng Sandiganbayan Special First Division si Sen. Bong Revilla sa kasong katiwalian kaugnay sa pork barrel funds scam.
Ito ay matapos paboran ng hukuman ang inihaing demurrer to evidence ni Revilla.
Ibinasura ng anti-graft court ang 16 counts ng kasong graft laban sa senador dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Kaugnay nito, ipinagutos ng hukuman ang pagpapalabas ng bonds na inilagak ng senador.
Isinantabi na rin ang inisyung hold departure order laban kay Revilla.
Samantala, ibinasura rin ng Sandiganbayan ang kaso laban sa staff ni Revilla na si Atty. Richard Cambe dahil ito ay pumanaw na.
Hindi naman pinagbigyan ng korte ang demurrer to evidence na inihain ng sinasabing utak sa PDAF scam na si Janet Lim Napoles kaya tuloy ang paglilitis sa negosyante.
Moira Encina