Kasong inihain laban kay Pangulong Duterte sa ICC, dismiss na

Dismiss na ang kasong inihain sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang ipinahayag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasabay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

Paliwanag ni Roque, hindi na nag-initiate ang Prosecutor na magpatawag ng preliminary investigation bago ang pagkalas ng bansa sa ICC.

Ibig sabihin aniya nito ay hindi na maaaring mapanagot si Pangulong Duterte sa mga reklamo dahil tuluyan nang ibinasura ng prosecution ang kaso laban sa Pangulo.

Si Pangulong Duterte ay inakusahang nagkasala at responsable sa maraming serye ng pagpatay sa ilalim ng kampanya nitong War in Drugs.

Nakasulat yan sa Rome Statute na mawawalan na ng hurisdiksyon ang Korte kapag ang isang bansa ay hindi na naging miyembro. As of yesterday, March 17, hindi na tayo miyembro, ang dapat ginawa ng prosecutor ay nag-initiate siya ng preliminary investigation noong Biyernes bago ang Linggo na opisyal na pagkalas ng Pilipinas. Pero dahil hindi na nagawa yan, wala nang hurisdiksyon ang ICC kay Presidente Duterte, basura na ang mga reklamong yan”.- Atty. Harry Roque

Si Roque ay dating nagsilbi bilang Chairperson ng Philippine coalition for ICC.

 

======================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *