Kasong rebelyon isinampa laban sa 2 hinihinalang medic ng ASG kaugnay sa kaguluhan sa Marawi City

Sinampahan na ng kasong rebelyon sa hukuman ang dalawang hinihinalang medic ng Abu Sayyaf na naaresto sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga kinasuhan ng DOJ panel of prosecutors na sina Jadzrie Harad Saabdula na isang nurse at Jamal Kalib Jamil na isang mangingisda at parehong mula sa Sulu.

Nadakip ang dalawa matapos bumili ng maramihang suplay ng gamot gaya ng antibiotics, pain reliever at mga post traumatic medicine sa isang botika sa Pagadian City.

Kasong rebelyon na paglabag sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code ang inihain laban sa dalawa sa Cagayan de Oro Regional Trial Court.

May hinala ang mga otoridad na ang biniling gamot nina Saabdula at Jamil ay para sa mga sugatang myembro ng Abu Sayyaf na kasama sa bakbakan sa Marawi City.

Ulat ni : Moira Encina

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *