Katarungan sa mag-inang pinatay ng pulis sa Paniqui Tarlac, tiniyak ng Malakanyang
Nangako ang Malakanyang na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui Tarlac.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na mariing kinokondena ng Malakanyang ang nangyaring krimen sa mag-inang Sonia Gregorio at anak na si Frank Anthony Gregorio.
Ayon kay Roque, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi kukunsintihin ang ginawa ng pulis na si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca na nakatalaga sa Parañaque Police Crime Laboratory.
Inihayag ni Roque malinaw ang mga ebidensiya sa krimen na ginawa ni Nuezca kaya tiyak na mapaparusahan ito sa ilalim ng batas.
Batay sa record ng imbestigasyon ng pulisya binaril ni Nuezca ang mag-inang Gregorio dahil sa pagpapaputok ng boga at nagkaroon ng pagtatalo kung saan naungkat ang lumang alitan na may kaugnayan sa right of way.
Vic Somintac