Katatagan ng financial system ng bansa, napanatili sa unang anim na buwan ng 2021
Nanatiling matatag sa unang anim na buwan ng taon ang financial system ng bansa sa kabila ng mga hamon na dala ng COVID-19 pandemic.
Ito ay batay sa Report on the Philippine Financial System for the First Semester of 2021 na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang banking system ay nagpakita ng patuloy na paglago sa mga assets at deposits at sapat na capital at liquidity buffers kaya nasuportahan ang financing needs ng bansa.
Ayon pa sa BSP report, ang mahabang kasaysayan ng mga reporma sa corporate governance at risk management sa financial sector at ang agarang implementasyon ng mga relief measures ay nakatulong sa mga bangko at financial system para maharap ang mga hamon dala ng krisis.
Nakasaad din sa ulat ng BSP na naging satisfactory din ang performance ng foreign currency deposit system, trust entities, quasi-banks, at iba pang non-bank financial institutions sa unang semester ng taon.
Tiniyak ng BSP na patuloy nitong babantayan ang mga mga risks at vulnerabilities na maaring magbigay ng undue pressure sa financial system dahil sa uncertainties bunsod pa rin ng pandemya.
Moira Encina