Katiwalian sa balikbayan boxes ,iimbestigahan na ng Kamara
Ipinasisiyasat na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang samu’t saring isyu at reklamo kaugnay sa mga balikbayan box ng mga Overseas Filipino Workers at Overseas Filipinos.
Sa House Resolution 499 ni OFW Partylist Representative Marissa del Mar Magsino kailangang magdaos ng imbestigasyon in aid of legislation ang Kamara ukol sa mga napaulat na panlilinlang o modus ng ilang international freight forwarders at kanilang local counterparts sa mga Pinoy sa Abroad na nagpapadala ng balikbayan boxes.
Ayon kay Magsino parte na ng kultura ng mga Pilipino na nagpapadala ng balikbayan boxes ang mga OFWS at mga Pinoy sa abroad para sa mga kaanak o mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Sinabi ni Magsino nakakadismaya ang mga sumbong ng OFWS at Filipino Overseas na binubutas, nawawala o nananakaw ang kanilang shipment, o kaya’y sobrang delayed ang delivery ng balikbayan boxes.
Inihayag ni Magsino, bagamat gumagawa na ng aksyon ang Bureau of Customs o BOC hinggil modus o panloloko ng mga forwarder at nangako na ipapadala ang mga natenggang balikbayan boxes sa mga recipient nang libre kailangang gumawa ng hakbang ang Kongreso para makabuo ng batas na magbibigay ng ibayong proteksiyon sa mga Pinoy sa Abroad.
Vic Somintac