Katiwalian sa PCSO, iimbestigahan pa rin ng Senado kahit balik-operasyon na ang Lotto
Iimbestigahan pa rin ng Senado ang mga alegasyon ng katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ito’y kahit iniutos na ni Pangulong Duterte na buksan ang mga Lotto outlet sa buong bansa.
Iginiit ni Senate President Vicente Sotto na kailangang malaman kung gaano kalalim ang katiwalian sa PCSO at magkano ang nawawala sa kaban ng bayan.
Sa pamamagitan aniya ng mga imbestigasyon, malalaman kung kailangan na bang ituloy ang operasyon o tuluyan nang bawiin ang prangkisa sa mga Small Town Lottery o STL.
Senador Sotto:
“Yung mga franchise holders na hindi nagbabayad, mga franchise holders na hindi nagbibigay ng tamang parte ng gobyerno? Paano yun? Papabayaan natin silang mandaya nang mandaya dahil kawawa yung mga nagta-trabaho? Hindi siguro tama yun. Bigyan natin ng trabaho yung walang trabaho. tulungan na lang natin. Pero huwag nating tutulungan yung nandadaya sa gobyerno”.
Ulat ni Meanne Corvera