Katutubong Baboy, bow!
Mahilig ba kayong kumain ng lechon? Sisig? Barbecue?
Hhhmm, kagutom ba?
Pag-usapan natin ang baboy!
Seryoso nga.
Acrtually, ito ang naging topic natin with Mr. Gregg Yan.
Ang Pilipinas ay may katutubong baboy o native pig.
Ayon kay Gregg Yan, Executive Director ng Best Alternatives, magkaiba ang baboy ramo at ang native pig.
Baka kasi ang iba ay ito ang iniisip.
Ang native na baboy ay mula sa baboy ramo, pero, sa tagal ng panahon nagsimula na tayo na mag-domesticate ng baboy, hanggang sa madali na silang lumaki, mas resistant sa klima….
Ang baboy ramo kadalasan ay may mahabang pangil, mohawk ang buhok, medyo mascular, at bahagyang payat.
Ang native pig naman … Sa Pilipinas may ilang klase ng katutubong baboy, Yookah na makikita sa Kalinga, Benguet sa Benguet, Usubela ng Isabela, Q-Black sa Quezon, Biskaya ng Nueva Vizcaya, Sinirangan ng Eastern Samar, meron din sa MIndoro ang Markaduque kung saan ito ang madalas na ginagawang lechon baboy.
Karamihan sa kanila ay grayish, itim na may halong puti ang balahibo.
So, alam na natin ngayon ang difference.
Pero, bakit ba natin ito naibahagi?
Para maging aware tayo sa kalagyan ng katutubonng baboy natin na sa kasalukuyan ay nanganganib na itong mawala o maubos.
Dahil kadalasan ang ating inaalagaan ngayon ay ang imported na baboy, kulay pink.
Dahil sa mas malakit ito na halos aabot ng 100 kilo kumpara sa native na 50 kilos.
Pero alam ba ninyo kung tutuusin mas malasa, malinamnam at kaunti ang taba ng native pig kumpara sa commercial na baboy..
Mahalagang mapangalagaan ang mga katutubong baboy upang mapanatili ang purity ng breed.
Para kay Greg, dapat huwag malahian ng iba pang lahi ang ating native baboy. Maprotektahan sa genetic contamination.
Sapagkat kung maiiwasan ang pagcross breed, nagsisilbi itong proteksiyon sa anumang sakit tulad ng African swine flu.
Paraan din upang mapanatili ang mayaman nating biodiversity ng hayop at halaman.
Ang ating pagkakakilanlan at kultura.
Patuloy nating suportahan ang native farming.