Kauna-unahang Automated Teller Machine, binuksan sa Santo Tomas, Pangasinan
“Historical Event”. Ito ang pagtuturing ng mga residente sa Bayan ng Santo Tomas, Pangasinan sa pagkakaroon nila ng kauna-unahang Automated Teller Machine (ATM).
Ang offsite ATM Inauguration ay isinagawa noong ika-8 ng Nobyembre, taong kasalukuyan, sa harapan mismo ng Municipal Building. Ito ay pinangunahan ng Punong-Bayan na si Mayor Dickerson D. Villar, kasama ang mga kinatawan ng Landbank of the Philippines na siyang provider ng nasabing ATM.
Pagkatapos ng inagurasyon ay agad naman itong binuksan para sa publiko. Ang ATM Machine ay maaaring gamitin anumang oras sapagkat ito ay bukas ng 24 oras.
Ayon kay Raff Marquez, Municipal Information Officer ng bayan, maituturing talaga itong makasaysayan sapagkat ang bayan ng Santo Tomas na lamang aniya ang nag-iisang 5th Class Municipality sa buong lalawigan ng Pangasinan, kung kaya napakadalang ng ganitong opurtunidad. Dagdag pa niya, malaking tulong ito sa kanilang mga kababayan.
Juvy Barraca