Kauna-unahang Darts International competition, isasagawa sa Leyte province
Isasagawa sa lalawigan ng Leyte ang pinakaunang International Darts competition sa rehiyon ngayong linggo.
Pasisimulan ang kompetisyon sa April 19 sa Leyte Academic center sa Palo, Leyte.
Inaasahang dadalo umalo sa kompetisyon ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission.
Kaugnay nito, may posibilidad rin na maisama ang darts sa mga kompetisyon sa Asean games sa susunod na taon kung saang ang Pilipinas ang magiging host nito.
Maliban sa mga dart player mula sa Pilipinas, lalahok din sa kompetisyon ang America, Canada, Singapore, Hongkong, South korea, Thailand, Malaysia, Croatia, Poland, Austria, England, France, Indonesia at Brunei.
=============