Kauna unahang kaso ng monkeypox sa bansa naitala ng DOH
Kinumpirma ng Department of Health ang kauna unahang kaso ng monkeypox sa bansa.
Ayon kay Dr. Beverly Ho, ito ay isang 31 anyos na pinoy na dumating sa bansa noong July 19.
Hindi tinukoy ni Ho ang bansang pinanggalingan ng nasabing Pinoy pero nagpunta daw ito sa mga bansang may kaso ng monkeypox.
Ayon kay Ho, wala namang sintomas ang nasabing pinoy ng dumating ito sa bansa.
Nakalabas na daw ang nasabing pasyente pero naka isolate siya sa bahay.
Lumabas ang resulta ng ginawang RT PCR result sa kanya kahapon July 28.
May 10 close contacts ang natukoy ng DOH, 3 ang kasama nito sa bahay pero lahat sila naka quarantine at hindi nakitaan ng anumang sintomas.
Ayon sa DOH, hindi naman daw kagaya ng COVID-19 ang monkepox na mabilis makahawa.
Payo ni Ho kung galing sa bansa na may kaso ng monkeypox, at magkaroon ng kulane, rashes at lagnat agad magpakonsulta.
Madelyn Villar-Moratillo