Kauna-unahang Landport Terminal sa bansa, magbubukas na ngayong araw
Nakatakda nang magbukas ngayong araw ang pinakabagong Landport Terminal o mala -airport na terminal ng lahat ng uri ng sasakyan.
Ito ay matatagpuan sa Parañaque city na tinawag na PITX o Paranaque Intergrated Terminal Exchange.
Dahil sa magiging fully operational na ito ay magiging scheduled na ang mga biyahe.
Meron itong loading at unloading areas, escalators at elevators, automated fare collection, at may online ticketing system pa.
High-tech ang mga amenities nito, kumpleto sa mga pasilidad ay may 24 hours CCTV camera para sa kaligtasan ng mga biyahero.
Bukod dito, may malinis itong palikuran at shower room.
Ang PITX ay proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at MWM Terminals, Inc.
Magsisilbi itong transfer point ng mga provincial bues mula Cavite, Batangas at in-city Modes of Transportation.
Inaasahang mababawasan nito ang bilang ng mga provincial buses na bumaybaybay sa Metro Manila.
Ang unang palapag ng PITX ay nakalaan para sa mga jeepney, bus at taxi samantalang ang ikalawang palapag naman ay magsisilbing Arival bay para sa mga Provincial buses.
Ang ikatlong palapag ng Tranport terminal ay magsisilbing AUV bay, parking area at may provision para sa LRT extension sa hinaharap.
Bukod sa pagiging Transport terminal, ang PITX at mayroon ring shopping complex at wellness center para sa mga pasahero.
Ulat ni Earlo Bringas