Kauna-unahang lunar orbiter ng South Korea inilunsad na
Inilunsad na ng South Korea ang kauna-unahan nitong lunar orbiter para sa isang taong misyon na obserbahan ang buwan. Kabilang sa karga nito ang isang bagong disruption-tolerant network para sa pagpapadala ng data mula sa kalawakan.
Ang Danuri, Korean word na ang ibig sabihin ay “Moon” at “enjoy” — ay sakay ng isang Falcon 9 rocket na inilunsad mula sa Cape Canaveral, Florida sa pamamagitan ng aerospace company ni Elon Musk na SpaceX. Target nitong marating ang buwan sa kalagitnaan ng Disyembre.
Sa isang video bago ang launching ay sinabi ni Lee Sang-ryool, pangulo ng Korea Aerospace Research Institute . . . “This is a very significant milestone in the history of Korean space exploration. Danuri is just the beginning, and if we are more determined and committed to technology development for space travel, we will be able to reach Mars, asteroids, and so on in the near future.”
Sa loob ng isang taong misyon, gagamit ang Danuri ng anim na iba’t-ibang instrumento, gaya ng isang highly sensitive camera na bigay ng NASA, para magsagawa ng pananaliksik, kabilang na ang pag-iimbestiga sa lunar surface upang tukuyin ang potensyal na landing sites para sa future missions.
Isa sa mga instrumento ang magsasagawa ng ebalwasyon sa disruption-tolerant, network-based space communications, na ayon sa science ministry ng South Korea ay kauna-unahan sa buong mundo.
Susubukan din ng Danuri na maka-develop ng isang wireless Internet environment para pag-ugnayin ang satellites o exploration spacecraft. At para subukan ang naturang wireless network, ay i-i-stream ng lunar orbiter ang kantang “Dynamite” ng BTS .
Inabot ng pitong taon bago nabuo ang Danuri ayon sa South Korean scientists, at ito ang magbibigay- daan sa mas maambisyoso pang “goal” ng bansa na mag-landing sa buwan pagdating ng 2030.
Noong Hunyo ay inilunsad ng bansa ang una nitong domestically developed space rocket, ikalawa sa kanilang pagtatangka matapos mabigo ang unang paglulunsad noong nakaraang Oktubre.
Ang three-stage Nuri rocket ay inabot ng isang dekada bago nabuo sa halagang 2 trillion won ($1.5 billion).
Sa Asya, ang China, Japan at India ay pawang mayroon ng advanced space programs, at ang nuclear-armed neighbor ng South na North Korea, ang pinakabagong nadagdag sa mga bansang may kakayahang maglunsad ng satellite.
© Agence France-Presse