Kauna-unahang Muslim Cemetery sa Maynila, binuksan na
Binuksan na ang kauna-unahang Muslim Cemetery sa Lungsod ng Maynila.
Matatagpuan ito sa loob ng Manila South Cemetery at may lawak na 2,400 square meters.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, layon nitong matugunan ang problema ng Muslim community dahil sa kawalan ng burial ground sa lungsod.
Maliban rito, may itinayo ring Cultural Hall para sa kanila.
Aabot sa 49.3 milyong piso ang inilaang pondo ng Manila LGU para sa pagpapatayo ng Manila Muslim Cemetery at Cultural Hall for Muslim.
Madz Moratillo
Please follow and like us: